21 KABABAIHAN, LIGTAS SA SEX TRADE SA NUEVA VIZCAYA

Nasagip ng mga awtoridad ang 21 kababaihan mula sa sex trade matapos ang isinagawang entrapment operation sa isang bar sa Nueva Vizcaya.

Isinagawa ng National Bureau of Investigation (NBI) at ng Inter-Agency Council against Trafficking 2 ang entrapment operation noong August 8, 2022 kasabay ng “big night” ng Sunrise Videoke Bar sa Sta. Rosa, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Ito ay matapos mapag-alamang ibinubugaw ang mga babaeng nagtatrabaho sa bar na nagsisilbing Guest Relations Officer.

Ayon sa mga awtoridad, nagpanggap umano ang dalawang operatiba na kustomer at nagbayad ng bar fine na 3,000 kada isang babae kapalit ng paglabas sa kanila.

Inaresto naman ng NBI Bayombong District Office (NBI-BayDO) ang mga suspek na kinilala na sina Evangeline Escalanten, manager at si Analyn Torres, cashier sa naturang videoke bar.

Nahaharap sila Escalante at Torres sa kasong paglabag sa Anti-Trafficking in Persons of 2003 at walang inirekomendang piyansa ang korte

Tinatayang nasa 20 taong gulang pataas ang mga nasagip sa Nueva Vizcaya.

Nasa kustodiya sila DSWD at tutulungan umanong silang makauwi sa kanilang mga lugar.

Facebook Comments