21 New COVID-19 Cases, Naitala sa Isabela

Cauayan City, Isabela- Bahagyang tumaas ang panibagong kaso ng Confirmed cases ng COVID-19 sa lalawigan ng Isabela matapos makapagtala ng 21 na positibo.

Sa tala ng Department of Health (DOH) Region 2 as of 8:00am ngayong araw, October 28, 2020, ang panibagong kaso ay naitala mula dito sa Lungsod ng Cauayan na may labing anim (16) na kaso, dalawa (2) sa Lungsod ng Ilagan, dalawa (2) sa Santiago City at isa (1) sa bayan ng Roxas.

Pero, nakapagtala naman ang Isabela ng dalawampu’t isa (21) na gumaling sa COVID-19 kaya’t nanatili sa 272 ang total active cases sa probinsya.


Sa 272 na active cases, tatlo (3) ay mga Returning Overseas Filipino (ROFs), 27 ang mga Non-Authorized Persons Outside Residence (Non-APORs), 20 health Workers, 13 na Pulis, at 209 na maituturing na Local and Community Transmission.

Facebook Comments