21 Top Most Wanted Persons sa Region 2, Arestado ng PNP

Cauayan City, Isabela- Bumagsak sa kamay ng mga alagad ng batas ang dalawampu’t isa (21) na wanted sa batas matapos mahuli sa magkakahiwalay na operasyon ng kapulisan sa Lambak ng Cagayan.

Unang naaresto ng mga otoridad ang Top 9 Regional level na si Jovanie Marcelo, 32 taong gulang, may asawa, laborer at residente ng Cabatacan, Pudtol, Apayao dahil sa kaso nitong panggagahasa at hindi pinayagan ng korte na makapagpiyansa.

Huli rin sina Philip Kiocho, Top 1 Municipal level, 33 taong gulang, laborer, residente ng Brgy.Balzain, Dupax del Sur, Nueva Vizcaya dahil sa kasong dalawang beses na Qualified Theft; Jojo Apangcay, Top 1 Municipal level, 41 taong gulang, magsasaka, residente ng Dupax Del Sur sa kaso namang 3 counts of Rape o panggagahasa.


Ang Top 5 Most Wanted person sa provincial level naman na su Robel Tuquero, 35 taong gulang, driver, residente ng Magsaysay, Nueva Vizcaya ay natimbog rin dahil sa kasong Robbery with Violence Against or Intimidation of Person (Art. 294 RPC); si Boyse M Usbal (Top 3 Provincial Level), 28 taong gulang, magsasaka, residente rin ng Magsaysay, Nueva Vizcaya na may kasong Robbery with Force Upon Thing (Art 299, RPC); Arcadia S Aquino (Top 8 Provincial Level), 64 taong gulang, negosyante, residente ng Allasitan, Pamplona, Cagayan sa kasong Attempted Murder at Attempted Homicide; Rafael M Gumaru (Top 9 Provincial Level), 23 taong gulang, Construction Worker, resident ng Brgy. Canogan Abajo, Sur Sto. Tomas, Isabela sa kasong paglabag sa PD 1602.

Kabilang rin sa mga natimbog sina Mary Anne D Beltran (Top 9 Municipal Level), 33 anyos, residente ng of Brgy. Cubag Cabagan, Isabela sa kasong paglabag sa RA 7610; Sunshine Bulong Baruzo (Top 5 Municipal Level), 24 taong gulang, residente ng Brgy. Caligayan, Tumauini, Isabela sa kaso namang Estafa; Imelda A Belda , (Top 5 Municipal Level), 58 taong gulang, residente ng brgy. Centro 2, Lasam, Cagayan sa kasong paglabag sa PD 1602; John Mark G Ocde (Top 10 City Level), 22 taong gulang, binata, residente ng Villa Jesusa Subdivision Brgy. Bliss Village, Ilagan City, Isabela sa kasong paglabag sa RA 9262; Jemar P Pajarito (Top 1 Municipal Level), 30 taong gulang, walang asawa, residente ng Ilagan City; Justin Soriano, (Top 1 Municipal Level), 18 taong gulang, residente ng Manzano Street, Brgy Roxas, Solano, Nueva Vizcaya sa kasong Rape at paglabag sa RA 7610; Liberato V Salas (Top 4 Municipal Level), 42 taong gulang, sa kasong Illegal Possession of Firearms and Ammunition; Leonardo R Gammad (Top 4 Municipal Level), 48 taong gulang, residente ng Brgy. Landingan, Nagtipunan, Quirino dahil sa kasong paglabag sa PD 705.

Hindi rin nakaligtas sa mga alagad ng batas ang Top 4 Municipal Level na si Reynante Alvarez, 48 anyos, residente ng San Gabriel, Tuguegarao City, Cagayan dahil naman sa kasong paglabag sa R.A. 10591 at RA 9516; Noel E Gapasin (Top 8 Municipal Level), 39 taong gulang, magsasaka, residente ng Brgy. Guribang, Diffun, Quirino dahil sa kasong theft; Rowell G Talattu (Top 1 Municipal Level), 18 taong gulang, residente ng Manzano Street, Brgy Roxas, Solano, Nueva Vizcaya sa kasong paglabag sa RPC Article 266-A-RAPE at RA 7610; Domingo E Gapasin (Top 9 Municipal Level), 41 taong gulang, residente ng Brgy.Guribang, Diffun, Quirino sa kaso rin Theft; Warnel C Gabuyo (Top 9 Municipal Level), 30 taong gulang, residente ng Brgy. Cabisera 17, Ilagan City, Isabela sa kasong paglabag sa RA 9165 at Daniel B Raymundo (Top 4 Municipal Level), 22 taong gulang at residente naman ng Brgy. Sta. Catalina, Ilagan City, Isabela dahil sa kasong paglabag sa RA 7610.

Lahat ng dalawamput isang naaresto ay nasa kustodiya bawat himpilan ng pulisya para sa dokumentasyon at disposisyon.

Pinuri naman ni PBGen Crizaldo Nieves, Regional Director ang matagumpay na operasyon ng kapulisan laban sa mga wanted persons sa rehiyon.

Facebook Comments