Inispeksyon ng National Meat Inspection Service Northern Mindanao o NMIS ang 21 toneladang dressed chicken na galing diumano sa Bulacan City.
Ayon kay Dir. Angelita Barcelona, ang Regional Technical Director ng National Meat Inspection Service sa Northern Mindanao, na nagsagawa sila ng inspection noong August 15, nitong taon matapos na nakatanggap ng impormasyon na may dumating na mga manok sa Mindanao International Container Terminal sa Tagoloan Misamis Oriental.
Napag-alaman na nagmula sa Bulacan ang nasabing mga manok na umabot sa 21,100 kilos.
Sa isinagawang inspection ng NMIS Northern Mindanao, pumasa sa inspection ang nasabing mga manok sa Bulacan at may kaukulang mga papeles.
Maaalala na nagpalabas ng Memorandum Order si Sec. Manny Piniol, ng Department of Agriculture, na pansamantalang itigil ang transportasyon ng mga agricultural products gaya ng karne ng manok.
21,000 kilo ng karne ng manok, naharang sa Mindanao International Container Terminal.
Facebook Comments