Nasa 21, 000 households lamang o katumbas ng 15% na pamilya ng Cotabato City ang maaring makakatanggap ng Cash Assistance mula sa Social Amelioration Program ng DSWD.
Ito ang napag-alaman mula sa naging panayam ng DXMY kay CSWD Officer Cherry Villoria.
Bagaman nakapagbigay na ng mga card sa lahat ng mga barangay at nakapagfill up na rin ang mga residente , iginiit naman ni Villoria na hindi lahat ay maring makakatanggap ng tulong pinansyal mula sa gobyerno.
Sasailalim aniya sa masusing validation ang bawat pamilya na maaring masasali na programa.
Bagaman ikinalungkot ni Villoria at ng City LGU na hindi lahat mabibigyan ang mahigit 80K na households sa Cotabato City taliwas sa unang anunsyo ng National Government na lahat ay makakatanggap, sinisiguro na lamang ng mga ito na ang mga kwalipikado at karapatdapat ang makakasali sa programa.
Kasama ng CSWD at DEPED,NGOs at mga barangay officials sa isinagawang assessment sa SAC Program sa syudad.
Sakaling matapos na ang validation, ipopost sa kani- kanilang mga branggay ang mga pangalan ng mga bebificiaries habang idoducument rin ang pagbibigay ng pera sa mga ito.
Sinsabing makakasama ng CSWD ang DILG , PNP sa panahon ng pay-out at kukunan pa ng pictures ang mga tatanggap ng tulong.
Inaasahang sa sususnod na linggo sisimulan na ang pay-out sa mga beneficiaries ng SAC sa Cotabato City.
CCTO PIC
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>