Pasado alas syete kagabi, Oktubre 11, 2022 nang arestuhin si Barredo sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Mary Jane Socan ng MTCC, Second Judicial Region, Cauayan City, Isabela na may petsang October 6, 2022.
Pansamantalang makakalaya ang suspek kung makakapagpiyansa ng halagang P16,000.
Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa suspek, idinepensa nito na hindi siya ang nasampahan ng kasong Estafa dahil mayroon umano siyang kapangalan at apelyido sa kanilang barangay.
Naniniwala ito na posibleng napagkamalan lamang siya ng mga nanghuli at nagsampa ng kaso dahil wala naman raw itong alam na atraso o utang maliban lamang noong taong 2018 sa isang online loan app na P1,000 pero nabayaran na raw niya ito.
Sa kasalukuyan, nakakulong sa lock-up cell ng PNP Cauayan si Barredo at magpipiyansa na lamang ng P16,000 para pansamantalang makalabas ng kulungan.
Nabanggit din ng suspek na mayroon itong inaalagaang anak na sanggol na walong buwang gulang pa lamang.