Arestado ang isang 22-anyos na wanted person sa bisa ng warrant of arrest sa isinagawang operasyon ng Urbiztondo Police Station dakong alas-siyete ng gabi noong Nobyembre 10, 2026, sa Barangay Poblacion, Urbiztondo, Pangasinan.
Kinilala ang akusado sa alyas na “Jun-Jun,” residente ng Barangay Angatel, na nahaharap sa kasong paglabag sa Article 151 ng Revised Penal Code o Resistance and Disobedience to a Person in Authority or the Agents of Such Person, at Grave Threats sa ilalim ng Article 282 ng parehong batas.
Inilabas ang warrant of arrest ng Municipal Circuit Trial Court (MCTC) Urbiztondo-Basista noong Oktubre 26, 2026, na may inirekomendang piyansang ₱3,000 para sa bawat kaso.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Urbiztondo Police Station ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








