Tumanggap ng pagkilala mula sa Sangguniang Panlungsod ng Dagupan ang Department of Science and Technology o DOST Pangasinan dahil sa pagpapatupad ng mga proyekto sa lungsod.
Iginawad ang pagkilala sa DOST Ilocos Region noong Nobyembre 9, 2026, sa 12th regular session ng konseho, alinsunod sa Resolution No. 8649-B-2026 na pinagtibay noong Hunyo 8, 2026.
Kabilang sa mga kinilalang proyekto sa ilalim ng Community Empowerment through Science and Technology o CEST Program ang pagbibigay ng dalawang solar fish dryer sa mga asosasyon ng mangingisda sa Barangay Pantal at Pugaro.
Bukod dito, nakapagbigay din ang ahensya ng composting facility sa material recovery facility ng Barangay Caranglaan.
Kinilala rin sa nasabing resolusyon sina Director Tabaog, Engr. Santos at Mr. Orpilla dahil sa kanilang mga kontribusyon sa pagpapatupad ng mga naturang proyekto sa Dagupan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








