Wednesday, November 11, 2026

SEGURIDAD SAPAGBISITA NI PBBM SA DAGUPAN CITY, SINIGURO NG PRO1

Nagbigay ng seguridad at assistance ang Police Regional Office 1 o PRO1, katuwang ang iba pang ahensiya ng pamahalaan, sa pagbisita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Dagupan City noong Nobyembre 9, 2026.

Layon ng police deployment na matiyak ang seguridad sa isinagawang mass oath-taking ceremony sa CSI Stadia na dinaluhan ng Pangulo, First Lady Louise Araneta Marcos at iba pang opisyal ng pamahalaan.

Tampok sa programa ang panunumpa ng 5,211 bagong na-promote na guro at school heads sa ilalim ng Expanded Career Progression o ECP System, gayundin ang 234 bagong hired na School Counselor Associates.

Kasama rin sa aktibidad ang turnover ng MacBook laptops para sa mga guro sa ilalim ng DepEd Computerization Program. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments