Cauayan City, Isabela – Isinugod sa ibat ibang pagamutan dito sa lungsod ng Cauayan ang dalawmput dalawang mga estudyante ng Cauayan City National High School matapos makaraas ng pananakit ng tiyan ,pagkahilo, at pagsusuka dahil sa umanoy nabili at nakain na siomai sa loob mismo ng paaralan.
Ayon kay Dr. John Mina, ang Principal sa nasabing paaralan, bangdang tanghali kahapon ng magkakasunod na isinugod sa clinic ng paaralan ang mga bata matapos na makaramdam ng panghihina ,pagkahilo,at pagsusuka.
Agad na naalarma ang pamunuan ng paaralan kayat isinugod na ang mga bata sa iba’t ibang pagamutan sa lungsod.
Ayon pa kay Dr. Mina sa dalawamput dalawang isinugod sa hospital ay nanatili parin sa pagamutan ang labing lima at patuloy pang inoobserbahan ng mga manggagamot.
Matapos ang pangyayari ay agad ipinag-utos ng nasabing Principal ang pagsuspende sa pagbebenta ng lahat ng uri ng siomai sa loob ng paaralan at agad na pinulong ang mga nagmama- ari ng mga kantina sa loob ng paaralan.
Agad namang inako ng nagmamay-ari ng stall ng siomai na si Eljay Abad ang mga gastusin sa pagpapagamot ng mga estudyanteng nalason.
Sa ngayon ay nakatakdang ipasuri sa laboratoryo ang mga natirang pagkain upang malaman kung anong uri ng bacteria ang tumama sa mga estudyante.