Cauayan City, Isabela- Nagpositibo ang 22 katao mula sa 2,294 na sumailalim sa Aggressive Community Testing na isinagawa ng Department of Health (DOH) sa Tuguegarao City, Cagayan.
Ayon kay City Mayor Jefferson Soriano, tatlong bahagi ng barangay sa lungsod na kinabibilangan ng Tanza, Caggay, Carig Sur.
Aniya, nailalagay na ang mga positibong pasyente sa mga step-up isolation units na kung dati ay hindi pinapayagan dahil sa naapektuhan ang ilang pasilidad sa malawakang pagbaha ng nagdaang kalamidad.
May panawagan naman ang alkalde sa mga itinuturing na neighborhood watch dahil sa dagsaan ng mga naghahatid ng tulong sa mga residente gayundin ang ilan naman na sinasabing umuuwi lang sa lungsod pero hindi naman naghahatid ng tulong na mangyaring ipagbigay alam sa kinauukulan para sa inaasahang pagsasailalim sa quarantine.
Posibleng ang iba aniya ay mula pa sa mga high-risk area ng COVID-19 na umuuwi pa sa lungsod ng hindi man lang dumadaan sa proseso ng quarantine na kung maaari ay agad na itawag sa numerong 0956-347-7979 para maaksyunan.
Muli naman ipinaalala ng opisyal ang pagbabawal sa pangangaroling batay sa kanilang inilabas na executive order kaugnay nito para maiwasan ang pagkahawa sa sakit.