Umarangkada ngayong araw ang libreng sakay para sa mga healthcare workers at Authorized Persons Outside Residence (APOR) sa lalawigan ng Cebu.
Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), mula sa 22 bus na idineploy, 5 rito ay gagamitin para sa pagsakay ng mga healthcare workers habang 17 naman para sa mga APORs.
Layon nito na matulungan ang mga healthcare workers at mga frontliners na makabiyahe ng libre patungo sa kani-kanilang mga trabaho, habang patuloy ang pagpapatupad ng community quarantine sa bansa.
Layon din nitong madagdagan ang kita ng mga Public Utility Vehicle (PUV) drivers upang makatulong sa kanilang araw-araw na pangangailangan.
Kabilang sa mga rutang babagtasin ng free ride for healthcare workers at APORs ay ang mga sumusunod:
– Naga City to UC Med
APOR
– Talisay to Parkmall via SRP
– Talisay to Airport via SRP
– Talisay to Parkmall via N. Bacalso
• Talisay to SM Seaside via N. Bacalso