22 na Dating Rebelde, Sumuko sa Pamahalaan para sa Pagbabagong Buhay

*Cauayan City, Isabela*- Sumuko sa mga awtoridad partikular sa 81st Infantry (Spartan) Battalion ang 22 miyembro ng New People’s Army sa Ilocos Sur.

Kabilang sa mga sumuko ang apat (4) na Militia ng Bayan, pitong (7) Kabataang Makabayan at labing isang (11) Pambansang Kilusan ng Magsasaka na kapwa mga residente ng Lucbuban, Salcedo, Ilocos Sur.

Ayon kay Major General Lenard T. Agustin ng 7th Infantry (Kaugnay) Division, ang presensya umano ng kasundaluhan at kapulisan ang positibong nakaapekto sa komunidad upang mahikayat ang mga ito na magbalik-loob na sa Pamahalaan na sinisigurong mapoprotektahan ng gobyerno at matutulungan sa pagbabagong buhay.


Sinabi pa ni MGEn. Lorenzo na ang kasundaluhan ng 81st IB at PNP PRO1 ay nakapaghaatid ng epektibong impluwensya sa komunidad.

Natutuwa naman si Lieutenant Colonel Rodrigo A. Mariñas Jr., Commanding Officer of the 81IB dahil sa paghahatid ng tamang impormasyon ay nagresulta ng tamang pagkaintindi ang mga rebelde sa hangarin mismo ng gobyerno.

Facebook Comments