22 PAMILYA SA BAYAN NG QUEZON, NAGTAPOS SA 4Ps NG DSWD

Cauayan City, Isabela- Aabot sa dalawampu’t dalawang (22) pamilya na miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) mula Quezon, Isabela ang nagtapos na sa naturang programa batay sa tala ng Department Social Welfare and Development Office.

Sa kasalukuyan, limang (5) benepisyaryo mula sa Expanded Student’s Grants-in-Aid Program for Poverty Alleviation (ESGP-PA) ang kinilala para sa kanilang pagtatapos sa kanilang college degrees at pagpapakita ng isang magandang halimbawa na ang kahirapan ay hindi hadlang na ipagpatuloy ang kanilang edukasyon.

Ayon kay DSWD FO2 Regional Director Cezario Joel Espejo, layunin ng programa na tulungan ang mga benepisyaryo at naging posible ito sa patuloy na suporta ng lokal na pamahalaaan at iba pang ahensya ng gobyerno.

Layunin ng programa na mabigyan ng cash grants ang mga pamilyang mahihirap na nasa laylayan upang mapaunlad ang kanilang kalusugan at edukasyon para tuluyang mapaunlad ang kanilang buhay.

Facebook Comments