Alert Level 4, ipinatupad na ng DFA sa Ukraine

Dahil sa mabilis na pag-deteriorate ng sitwasyon sa Ukraine, ipinatupad na ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Alert Level 4 ang lahat ng lugar sa Ukraine.

Nangangahulugan ito na magpapatupad na ang DFA ng mandatory repatriation sa natitirang mga Pilipino sa Ukraine.

Sa ilalim kasi ng Crisis Alert Level 4, obligado ang pamahalaan ng Pilipinas na ilikas ang mga Pinoy sa mga lugar na may krisis.


Ayon sa DFA, ang mga naiwang Pilipino sa Ukraine ay aalalayan ng Philippine Embassy sa Poland at ng Rapid Response Team para sa repatriation at relocation.

Facebook Comments