Sinampahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ng 8 counts of murder ang dalawampu’t dalawang (22) pulis na sangkot sa kahinahinalang pagkamatay ng walong high profile inmates sa New Bilibid Prison inmates (NBP).
Ayon kay NBI Deputy Director Ferdinand Lavin, ang 22 pulis ay mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) at naka-assign sa Bureau of Corrections nang mangyari ang pagkamatay ng mga inmates.
Nabatid na May 2022 hanggang July 2022, sunod-sunod ang pagkamatay ng walong high profile inmates na kinabibilangan ng convicted drug lord na sin Amin Boratong, Jaybee Sebastian at ilan pang Chinese drug lords.
Batay sa imbestigasyon ng NBI, pinalabas ng mga pulis na COVID-19 ang ikinamatay ng mga bilanggo para mapagtakpan ang umano’y sadyang pagpatay sa mga ito.
Tinukoy ng NBI ang mga testimonya ng mga testigo at ang mga hindi nagtugmang records ng BuCors, NCRPO at NBP Hospital.
Ang imbestigasyon ng NBI ay kasunod ng kautusan ng DOJ noong July 2020 matapos ang pagkamatay ni Jaybee Sebastian.