DOH, naitala kahapon ang pinakamataas na bilang ng bagong kaso ng COVID-19 simula Pebrero

61

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,243 na bagong kaso ng COVID-19 kahapon.

Ito ang pinakamataas na naitalang daily COVID case simula Pebrero 26 na may 1,223 bagong kaso ng sakit.

Dahil dito, umakyat na sa 3,705,649 ang nationwide tally ng COVID-19 cases.


Umakyat din sa 8,706 ang aktibong kaso ng virus matapos maitala ang 7,871 active cases noong Huwebes.

Nadagdagan naman ng 10 COVID-19 related deaths kahapon dahilan para umakyat ang overall death toll nito sa 60,565.

Facebook Comments