Cauayan City, Isabela- Pinangunahan ni PRO2 Regional Director Police Brigadier General Steve Ludan ang Oath-taking ceremony sa 225 successful PNP applicants para sa 1st cycle ng Calendar year 2021 Attrition Recruitment Program na idinaos sa PRO2 Grandstand kahapon, Hulyo 30.
Sa kanyang mensahe, ipinaalala ni RD Ludan sa mga bagong miyembro ng kanilang hanay ay panatilihin ang integridad sa serbisyo at kanya ring ipinunto ang kahalagahan ng moral sa pagtupad ng trabaho ng isang pulis kaakibat nito ang dala-dalang pangalan ng organisasyon.
Una rito, nasa 1,498 ang aplikante na kanilang natanggap sa the Online Recruitment Application System (ORAS) at isinailalim sa five stages ng recruitment process gaya ng Body Mass Index (BMI) Test; Physical Agility Test; Neuro-Psychiatric Examination; Medical, Dental at Physical Examination; at Final Interview.
Kaugnay nito, tanging 227 ang napasama sa final list subalit dalawa dito ay nagpositibo sa COVID-19.
Ang mga newly-appointed patrolmen/patrolwomen ay naiturn-over na sa Regional Learning and Doctrine Development Division na nakatakdang sumailalim sa pagsasanay na gagawin sa Regional Training Center 2 sa Cauayan City para sa anim (6) na buwang Basic Recruit Course (BRC).
Pansamantala namang sasailalim sa 14-days quarantine ang mga ito bago ang commencement militaristics phase ng BRC.
Samantala, iginawad naman sa mga miyembro ng PRO2 Screening Committee ang plaques of appreciation at medalya ni RD Ludan para sa matagumpay na recruitment process at ang pagpili ng most qualified applicants na kinabibilangan ng pinakabatang miyembro ng police force sa region 2.