23-anyos na binata, nagpakamatay sa sariling tahanan

Koronadal – Binawian ng buhay ang 23-anyos na binata matapos itong magpakamatay sa loob ng kanilang bahay sa Purok Magsaysay, Brgy. Namnama, Koronadal City pasado alas 5:30 kahapon ng hapon.

Kinilala naman ang nasabing binata na si Bryan Bautista, 23-anyos at residente ng nabanggit na lugar.

Ayon sa nakakatandang kapatid nito, nakita na lamang ng kanyang ina ang kapatid na nakabitin sa kisame ng kwarto gamit ang kumot.


Labis na depresyon di-umano ang nakikitang dahilan ng pamilya sa pagpakamatay ng binata dahil tatlong taon na ang nakalipas nagtangka din itong magpakamatay.
DZXL558

Facebook Comments