23 mga kalsada na naapektuhan ng Bagyong Maring at Tropical Depression Nando, na-clear na

43

Tuluyan nang na-clear ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang 23 national road sections na naapektuhan ng Bagyong Maring at Tropical Depression ‘Nando’.

Habang nananatili namang hindi madaanan ng mga sasakyan ang 10 iba pang mga kalsada.


Kabilang sa mga hindi pa madaanan ay ang ilang kalsada sa Cordillera Administrative Region, Region I, Region II at Region VII.

Sa ngayon, ang pinsala ng Bagyong Maring at Nando ay umaabot na sa P575.07 million.

Kabilang sa mga napinsala ng bagyo ay mga kalsada at tulay.

Facebook Comments