Delivery boy na hinostage sa Quezon City, nailigtas ng mga tauhan ng QCPD

160

Mapayapang nagtapos ang hostage drama na naganap sa Alpha Village Capitol Hills, Brgy. Old Balara, Quezon City.

Ito’y matapos ligtas na pakawalan ng hostage taker ang binihag niyang 46-anyos na delivery boy ng tubig


Armado ng dalawang mahahabang kutsilyo, biglang hinostage ni Universe Santos si Gabriel Espinosa pagkatapos makapagdeliber ng tubig sa kanilang bahay.

Ayon kay Brgy. Old Balara Chairman Allan Francia, nakararanas ng schizophrenia o mental disorder ang hostage-taker.

Lumalabas sa imbestigasyon na pinagbibintangan ni Santos na may lason umano ang tubig na idine-deliver ng biktimang si Espinosa.

Matapos ang halos isang oras na negosasyon nalingat ang hostage-taker kayat sinunggaban ang hawak nitong dalawang kutsilyo kaya’t nailigtas ang 21-anyos na delivery boy.



Facebook Comments