5-taong gulang na Bata, Ginahasa umano ng 78-anyos na Lolo

31

Cauayan City, Isabela-Inaresto ang isang lolo sa kasong panggagahasa sa Brgy. Magdalena, Cabatuan, Isabela kahapon, Oktubre 13, 2021.

Itinago sa pangalang ‘Pedro’ ang suspek, 78-anyos, may asawa, isang laborer at residente rin sa nabanggit na lugar.


Dinakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng korte matapos umano nitong gahasain ang limang (5) taong gulang na batang babae.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, habang abala ang bata na naglalaro sa labas ng kanilang bahay malapit sa kanilang kusina ng bigla umanong lapitan ng suspek ang bata at ginawa ang panggagahasa.

Batay sa ulat ng Women and Children Protection Desk ng PNP Cabatuan, nangyari ang panggagahasa noong lamang buwan ng Enero taong kasalukuyan.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng PNP ang suspek na mahaharap sa kasong Rape.



Facebook Comments