23 OPERASYON KONTRA DROGA, MATAGUMPAY NA NAISAGAWA NG PNP CAGAYAN

Cauayan City – Patuloy na pinalalakas ng Cagayan Police Provincial Office (PPO) ang kampanya laban sa ilegal na droga matapos ang matagumpay na pagsasagawa ng 23 operasyon sa buwan ng Pebrero, na nagresulta sa pagkaaresto ng 25 indibidwal.

Sa isinagawang mga operasyon, nasamsam ng pulisya ang 12.08 grams ng shabu na nagkakahalaga ng ₱82,182.76 at 2,484.22 grams ng marijuana na may halagang ₱298,107.57.

Kabilang sa mga operasyon ang buy-bust operations, search warrants, checkpoints, at paghuli sa mga wanted persons sa iba’t-ibang bayan ng Cagayan, tulad ng Tuguegarao City, Solana, Aparri, Enrile, Tuao, Claveria, Abulug, Ballesteros, Sta. Teresita, Gonzaga, Piat, at Lal-lo.

Ayon kay Police Colonel Mardito G. Anguluan, Provincial Director ng Cagayan PPO, hindi umano titigil ang kanilang kampanya hangga’t hindi nalilinis ang probinsya mula sa ilegal na droga.

Hinimok din ng pulisya ang publiko na makipagtulungan sa pamamagitan ng pag-uulat ng anumang ilegal na aktibidad upang mapanatili ang seguridad sa buong probinsya.

Facebook Comments