
Asahan na ang pagbaba ng presyo ng bigas at karne ng baboy ngayong buwan ng Marso.
Ito ang inanunsyo ng Malacañang kasunod ng pulong kasama ang Department of Agriculture (DA) kaninang umaga.
Ayon kay PCO Usec. at Palace Press Officer Atty. Claire Castro, na posibleng bumaba sa P45 kada kilo ang presyo ng bigas pagdating ng March 31, mula sa P49 kada kilo.
Bukod dito, simula March 10 may pagbaba rin sa presyo ng karne ng kasim at pigi sa P350 hanggang P360.
Habang ang liempo naman ay maaaring bumaba sa P380 kada kilo.
Batay sa ulat ni Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, isa sa mga dahilan ng inaasahang pagbaba ng presyo ng bigas ay ang patuloy na pagbaba ng presyo nito sa world market.
Facebook Comments