SDO DAGUPAN CITY, NAGSAGAWA NG ONBOARDING PROGRAM PARA SA BAGONG NON-TEACHING PERSONNEL

Nagsagawa ang Schools Division Office (SDO) of Dagupan City, sa pamamagitan ng Human Resource Management Office (HRMO), ng onboarding program para sa mga bagong-hire na non-teaching personnel noong Setyembre 24, 2026.

Isinagawa ang aktibidad sa Division Training Center sa inisyatiba ng pamunuan ng SDO Dagupan City, sa pangunguna ni Schools Division Superintendent Dr. Marciano U. Soriano Jr.

Layunin ng programa na mabigyan ng sapat na oryentasyon ang mga bagong kawani hinggil sa organisasyonal na estruktura ng Department of Education (DepEd), mga mandato nito, gayundin ang Mission, Vision at Core Values ng kagawaran.

Tinalakay rin sa onboarding program ang mga mahahalagang usapin na may kaugnayan sa pagiging kawani ng pamahalaan, kabilang ang Republic Act No. 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, compensation, leave credits, employee benefits at iba pang employment-related matters.

Naging pagkakataon din ang programa para sa mga bagong personnel na magtanong, maglahad ng kanilang concerns at humingi ng paglilinaw sa mga bagay na may kaugnayan sa kanilang mga tungkulin at benepisyo habang sinisimulan nila ang kanilang karera sa public service.

Sa pamamagitan ng naturang programa, inaasahang mas magiging handa ang mga bagong non-teaching personnel na gampanan ang kanilang mga tungkulin at makapag-ambag sa mga layunin ng Department of Education. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments