Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang round the clock security para kay Joel Estorial, ang sumukong gunman sa pagpatay sa mamamahayag na si Percy Lapid.
Ayon kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., mananatili sa kustodiya ng Special Investigation Task Group Lapid ang suspek para sa kanyang proteksyon.
Una na kasing sinabi ng suspek kahapon matapos itong ipresenta sa mga kagawad ng media na natatakot siya sa kanyang buhay kaya siya sumuko sa mga pulis.
Nailahad din nito kahapon na siya ang babalikan kung hindi niya napatay noon si Lapid.
Una nang sinabi ni Estorial na hindi nya ginustong patayin ang mamamahayag kung saan ang kahirapan aniya ang siyang nagtulak sa kaniya para patayin ito.
Samantala, sa ngayon ay nagpapatuloy ang hot pursuit operation ng PNP sa mga kasabwat ni Estorial na una na nitong inginuso na sina Alyas Orly at ang magkapatid na sina Israel at Edmon Dimaculangan.