Tiniyak ng National Water Resources Board (NWRB) na hindi magkakaroon ng 24 oras a water service interruption.
Bunsod ito ng nararanasan na namang kakapusan ng suplay ng tubig dahil sa pagbaba ng water level ng Angat Dam.
Ayon kay NWRB Executive Director Sevillo David – kaya pa naman nitong suplayan ang Metro Manila at mga karatig-lalawigan kaya malabong buong araw na walang tubig.
Nabatid na hanggang 19 na oras magpapatupad ng water interruption ang Maynilad simula bukas habang apat hanggang 10 oras ang Manila Water.
Tiniyak din ni Sevillo na binabantayan nilang mabuti ang antas ng tubig sa Angat Dam para masigurong hindi magkakaroon ng water crisis pagdating ng summer season sa susunod na taon.
Kaninang alas 6:00 ng umaga, muling bumaba ang water level sa Angat na ngayon ay nasa 186.23 meters mula sa 186.46 meters kahapon.
Bahagya ring nabawasan ang lebel ng tubig sa Ipo, La Mesa, Ambuklao, Binga, Pantabangan, Magat at Caliraya Dam.