Pinangunahan mismo ni City Mayor Caesar Jaycee Dy Jr. ang pagsalang sa pagpapadrug test na ikinasa ng PDEA Isabela sa tulong ng mga kawani ng Cauayan City Health Office 3.
Sinundan naman ito ng iba pang kawani ng LGU na sumalang sa drug testing. Nang matapos ang random drug testing sa mga piling kawani ng lokal na pamahalaan o katumbas ng dalawampung porsyento ng workforce ng LGU ay nagnegatibo naman ang mga ito sa ipinagbabawal na droga.
Sa kasalukuyan, mula sa 1,167 na kabuuang bilang ng mga empleyado ng LGU Cauayan ay 241 sa mga ito ang kumpirmadong hindi gumagamit ng iligal na droga batay na rin sa agarang resulta ng kanilang drug test.
Layunin naman nito na matiyak na malinis sa droga ang City Hall o maituturing na “Drug Free Workplace” ganun din ang lahat ng mga manggagawa ng LGU bilang bahagi sa pagdedeklara na “Drug Cleared” ang Siyudad ng Cauayan.