DOE, nagtalaga ng mga special technical, financial at legal advisers para mapalakas ang industriya ng enerhiya sa bansa

67

Inihyag na ni Department of Energy o DOE Secretary Raphael Lotilla ang pagtatalaga niya ng mga special technical, financial at legal review committees

Layon nitong mapag-aralan ang iba’t ibang mga hakbang para mapalakas pa ang sektor ng enerhiya gayundin ang mungkahing ibenta ang service contract 38 ng Shell o ang Malampaya Natural Gas Project.

Ito aniya ang inaasahang tutulong sa Kagawaran para sa pagbalangkas ng mahusay na pagpapasya na may kaugnayan sa Malampaya Service Contract batay sa mahusay na pagsusuri.


Ayon kay Lotilla, tatayong chairman ng Komite si Roberto Manabat habang magiging miyembro nito sina J. Carlitos Cruz at Gabriel Singson habang magsisilbing consultant sina Atty. Ephyro Luis Amatong at Atty. Luis Ma. Uranza.

Itinalaga naman ni Lotiila si Rufino Bomasang bilang chairman ng Technical Review Committee habang magiging miyembro naman niya sina Francisco Delfin Jr., at Froilan Tampinco at tatayong consultant naman dito si Edgar Benedict Cutiongco.

Facebook Comments