May kabuuang 241 megawatts loads ang naisuplay na kuryente sa mga planta sa Panay Island nitong alas-12:00 ng tanghali.
Mangangailangan ng 300 megawatts para maibalik na sa normal ang supply ng kuryente sa Visayas Grid.
Puspusan pa rin ang ginagawang power restoration activities ng National Grid Corporation of the Philippine (NGCP) upang tuluyan nang maibalik ang supply ng kuryente sa Western Visayas.
Kasunod ito na nangyaring malawakang brownout sa lugar matapos ang tripping ng mga power plant at maintenance shutdown.
Batay sa pinakahuling ulat ng NGCP, as of 12NN, umabot na sa 231 megawatts ang naisu-supply na kuryente ng mga planta sa Panay habang aabot naman sa 9.6 megawatts ang mula sa ibang bahagi ng Visayas.
Hinihintay pa ng NGCP na pumasok ang karagdagang 135 megawatts na magmumula naman sa Palm Concepcion Power Corporation (PCPC).