2 pang panibagong kaso ng nasugatan dahil sa ligaw na bala, naitala ng DOH

Nadagdagan pa ng dalawa ang kaso ng mga nasagutan dahil sa stray bullets o ligaw na bala.

Batay sa pinakahuling ulat ng Department of Health (DOH), ang dalawang kumpirmadong sugatan dahil sa ligaw na bala ay isang 28-anyos na lalaki mula sa Metro Manila at isang 60-anyos na lalaki mula sa Cordillera Administrative Region (CAR).

Ang mga naturang kasong ay kabilang sa 28 bagong naitalang fireworks-related injuries.


Dahil dito, umakyat na sa 585 ang kabuuang kaso ng fireworks-related injuries sa bansa hanggang ngayong Enero 4.

Facebook Comments