Nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa 25 barrels ng hydrochloric acid na sangkap na ginagamit sa paggawa ng shabu.
Nadiskubre ang mga kemikal sa isang barko na dumating sa Cebu galing Liberia.
Bigo ang mga sakay nito na makapagpakita ng dokumento sa Bureau of Customs (BOC) matapos na dumaong sa Lapu-Lapu City.
Ayon naman sa kapitan ng barko, inutusan lamang sila ng kanilang employer na dalhin ang mga kemikal na umano’y kailangan upang linisin ang barko mula sa Japan.
Nanggaling na rin daw sila sa Estados Unidos, Singapore at South Korea pero tanging sa Pilipinas lamang sila nasita.
Giit ng PDEA, labag sa batas ang pagkakarga ng bulto ng hydrochloric acid sa barko nang walang mga kinakailangang dokumento.
Kapwa kakasuhan ng PDEA at BOC ang pamunuan ng barko.