3 pa sa mga nasawing rescuer sa Bulacan, ililibing ngayong araw

42

Nakatakda na ring ilibing ngayong araw ang tatlo pa sa limang rescuer sa Bulacan na nasawi sa kasagsagan ng Bagyong Karding.

Ito ay sina Marby Bartolome, Jerson Resurrecion at Narcisa Calayag Jr.

Una nang inihatid sa huling hantungan kahapon sa Plaridel, Bulacan si Troy Justin Agustin habang sa bayan ng Calumpit inilibing si George Agustin.


Bumuhos naman ang pakikiramay ng mga kaibigan at katrabaho para sa mga naulilang pamilya ng limang rescuer.

Matatandaang nasawi ang mga rescuer matapos silang mabagsakan ng pader at malunod sa baha habang nagsasagawa ng rescue operation sa bayan ng San Miguel.

Facebook Comments