25 Iskolar ng Organic Agriculture Production Training, Nagtapos na

Cauayan City, Isabela- Nagtapos ang nasa 25 iskolar sa ilalim ng Priority Barangay Development Project (PBDP) na nasa pangangasiwa ng Technical Education Skills and Development Authority (TESDA) kahapon sa Brgy. Apayao, Piat, Cagayan.

Ito ay makaraang makumpleto ng nasabing bilang ng mga nagtapos ang kanilang pagsasanay sa Organic Agriculture Production NC II.

Isa mula sa anim (6) na identified barangay sa ilalim ng Retooled Community Services Program (RCSP) na nakapaloob sa Executuve order no.70, ang barangay ng Apayao ay saksi sa potensyal ng “Whole-of-Nation” approach ng PRLEC Cagayan kung saan ipinapanawagan ang iba’t ibang kontribusyon ng bawat miyembro ng ahensya.


Nabuo ang halos P2 million halaga ng tulong na ginagamit ngayon sa iba’t ibang kagamitan gaya ng motor boats, water pumps, shredders, lumbers, GI sheets at cash na P600,000 mula sa pamahalaang panlalawigan ng Cagayan.

Binansagan naman ng mga nagtapos bilang Itawes Organic Farmers ang kanilang grupo kung saan pormal silang nakatanggap ng pangkabuhayan kasama ang ilang kagamitan sa kanilang pagsasanay para sa organic farm mula sa PRLEC Cagayan.

Ito ay bahagi ng Poverty Reduction, Livelihood and Employment Cluster (PRLEC) na proyekto ng pamahalaan.

Facebook Comments