DFA, nagpadala na ng show cause order sa ambassador ng Pilipinas sa Brazil

269

Nagpadala na ng show cause order ang Department of Foreign Affairs (DFA) kay Philippine Ambassador to Brazil Marichu Mauro kaugnay sa umano’y pananakit at pangmamaltrato nito sa kasambahay na Pilipino.

Sa isang pagdinig sa Kamara ay sinabi ni DFA Undersecretary Eduardo Malaya na ipinadala ang naturang show cause order nitong October 28, 2020 kay Mauro upang pagpaliwanagin ito sa isyu.


Mismong ang DFA na rin aniya ang nagkusa na maghain ng reklamo para makapagsimula ng preliminary investigation.

Sinabi pa ni Malaya na inaasahang mapapauwi na ng Pilipinas si Mauro kasunod ng atas ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr.

Tiniyak din ni Malaya sa Committee on Overseas Workers Affairs na patuloy naman silang nagsasagawa ng mga seminar sa kanilang mga ambassador at iba pang foreign service personnel upang mapanatili hindi lang ang kanilang professionalism ngunit maging ang kanilang integridad.

Facebook Comments