25 pulis, nadagdag sa bilang na positibo sa COVID-19

Patuloy na nadadagdagan ang bilang ng mga pulis na positibo sa COVID-19.

Sa huling ulat ng Philippine National Police Public Information Office (PNP-PIO), mula sa 415 na pulis na positibo sa sakit noong Lunes, pumalo na ito sa 440 kahapon.

Nananatili naman sa pito ang bilang ng mga pulis na nasawi.


Pero, good news dahil sa bilang na 440 na positibo, 258 na ang gumaling.

Mayroon namang pulis na 874 probable cases ng COVID-19 habang 699 na suspected cases.

Patuloy naman ang mga ipinatutupad na precautionary measures ng PNP para hindi mahawa pa ang mga pulis lalo na ang mga naka-deploy para patuloy na ipatupad ang mga quarantine protocol.

Facebook Comments