250 PEDICABS, KABILANG SA PHASE OUT NA GAGAWIN SA URDANETA CITY

URDANETA CITY, PANGASINAN – Aabot sa dalawang daan limampu na bilang ng pedicabs na bumabyahe sa lungsod ng Urdaneta ang mapapabilang sa pag phase out ng lokal na pamahalaan ng lungsod bilang tugon umano sa tumitinding bigat ng trapiko dito.

Ayon kay POSO Chief Francisco Serafica, nais umanong gawing motorized tricycle o mga garong ang mga pedicabs upang mapabilis ang daloy ng trapiko sa mga pangunahing kakalsadahan ng lungsod.

Samantala, malaking problema umano ngayon ng mga pedicab drivers ang pambili ng mga bagong motor o spare parts para sa garong.


Giit naman ni Serafica na tutulungan ng lokal na pamahalaan ang mga ito para makabili ng ilang spare parts para sa kanilang pagsisimula.

Facebook Comments