Manila, Philippines – Nasa 2,500 mga sapling o punla ng mga puno ang naitanim sa isinagawang tree planting activity ng Maynilad sa Ipo watershed sa Norzagaray Bulacan ngayong araw.
Alas diyes kaninang umaga nang magsimula ang aktibidad katuwang ang RMN bilang bahagi pa rin ng ika65 anibersaryo ng RMN.
Ang tree planting activity ay may temang “plant for life”.
Ayon kay Engr. Sarah Duroy Corporate Quality Environment Safety and Health Specialist ng Maynilad, layon ng aktibidad na i-rehabilitate at paramihin ang mga puno sa ipo watershed para mapigilan ang mga insidente ng landslide o flashflood sa tuwing may bagyo.
At bilang isa ang Ipo dam sa pinakamalaking pinagkukunan ng tubig ng Maynilad, nais nilang mapanatiling malinis ang isusuplay na tubig sa kanilang mga consumer.
Kabilang sa mga itinanim ay mga puno ng tibig, cupang, acasia, at narra.
Target ng maynilad na makapagtanim ng 130, 000 na mga puno ngayong taon.
Samantala, nagpasalamat naman si Ms. Carmela Cabatcan CSR head ng RMN foundation, sa oportunidad na ibinigay ng Maynilad para makatulong ang RMN sa pangangalaga ng kalikasan.
Nagtapos ang aktibidad sa pamamagitan ng boodle fight.