25,000 kilos ng e-waste na dinala sa bansa, binalik sa Hong Kong

Ibinalik sa Hongkong ang 25,000 kilos ng electronic waste o ‘e-waste’ na dinala sa Mindanao International Container Terminal (MICT) nitong Enero 2.

Nasaksihan ito ng personnel mula sa Bureau of Customs (BoC) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) na nasa 40 feet container van.

Itinuturing ding ‘hazardous waste’ ang mga sinabing e-waste tulad ng computer parts at electronic gadgets na dinala sa bansa dahil mayroon itong chemical na nakakasama sa katawan.


Ayon sa BoC, ang pagbabalik ng e-waste sa Hongkong ay isang ‘tagumpay’.

Nauna nang ibinalik sa Canada nitong Mayo 30 ang mga basurang dinala sa bansa.

Facebook Comments