25,000 na mga estudyante sa elementarya at junior high school mula private schools, lumipat sa mga pampublikong paaralan sa Maynila

Kinumpirma ni Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso ang malugod niyang pagtanggap sa 25,000 estudyante na lumipat sa public schools sa Maynila mula sa private schools.

Kasabay nito, inanunsyo ni Moreno ang pamamahagi nila ng mga laptop, pocket WiFi at tablets sa mga guro sa mga pampublikong paaralan sa lungsod.

Sa susunod na linggo aniya ay ang mga estudyante naman ang kanilang bibigyan ng gadgets.


Una nang naglaan ang Manila City Government ng P900 million para sa pagbili ng 110,000 tablets at 10,000 laptops na gagamitin ng mga guro sa public school students mula kindergarten hanggang grade 12.

Samantala, ilang pribadong eskwelahan ang nagsasagawa na rin ng virtual orientation ngayong araw para sa pagbubukas ng kanilang klase sa Lunes, August 24, 2020.

Facebook Comments