Kinumpirma ni Philippine Charge d’ Affaires Charleson Hermosura na 25,000 na aplikasyon na ang natanggap ng Philippine Embassy sa Kuwait mula sa Overseas Filipino Workers (OFWs) na humihingi ng tulong-pinansyal matapos maapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Hermosura, 19,000 na aplikasyon na ang kanilang naaprubahan at 10,000 OFWs na ang nakatanggap ng financial aid.
Gayunman, sa ngayon aniya ay naghihintay pa sila ng pondo para sa pagpapatuloy ng programa.
Patuloy rin ang repatriation efforts sa Pinoy workers mula sa Kuwait.
Facebook Comments