26 katao, patay sa malakas na lindol sa Cebu —NDRRMC

Pumalo na sa 26 ang napaulat na nasawi sa magnitude 6.9 na lindol na tumama sa Cebu, ayon sa inisyal na ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ayon kay Office of Civil Defense (OCD) Deputy Spokesperson Diego Mariano, bukod sa mga nasawi ay umabot na rin sa 147 ang napaulat na sugatan.

Nilinaw naman ni Mariano na sumasailalim pa sa beripikasyon ang mga naturang datos habang nagpapatuloy ang damage assessment sa lugar.

Patuloy ring tumatanggap ng mga dagdag na ulat ang NDRRMC kaugnay ng mga casualty at epekto ng lindol.

Facebook Comments