267 KAWANI NG 4Ps SA DSWD FIELD OFFICE 1, NANUMPA BILANG MGA PERMANENTENG EMPLEYADO

Pormal nang nanumpa bilang mga permanenteng kawani ng pamahalaan ang 267 personnel ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ng Department of Social Welfare and Development Field Office 1 – Ilocos Region noong Nobyembre 9, 2026.

Bahagi ito ng kabuuang 5,703 regular positions para sa 4Ps sa buong bansa na inaprubahan ng Department of Budget and Management o DBM upang higit pang mapatatag ang workforce ng programa.

Sa mensahe ni Regional Director Marie Angela S. Gopalan, hinikayat niya ang mga bagong permanenteng kawani na patuloy na paghusayin ang kanilang trabaho at panatilihin ang katapatan at dedikasyon sa paglilingkod sa mga pamilyang benepisyaryo.

Ayon sa DSWD, bahagi ang hakbang na ito ng pagpapalakas sa organisasyon upang makapaghatid ng mas maagap, maayos at mapagkalingang serbisyo sa bawat Pilipino. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments