27 contact lenses, nadiskubre sa mata ng isang babae sa England

37

Panghimagas – Ikinagulat ng isang doktor ang 27 contact lenses sa mata ng isang 67-anyos na babae.

Isasailalim sa cataract surgery sana ang pasyente nang madiskubre ang mga nakabaong contact lenses sa kanyang mata.

Maging ang pasyente ay hindi alam na may mga nakabaon na contact lenses sa kanyang mga mata.

Hindi rin masabi ng pasyente kung gaano na katagal ang mga contact lens sa kaniyang mata.

Ayon kay specialist trainee ophthalmologist Rupal Morjaria – pambihira ang pagkakaroon ng higit 20 contact lenses sa mata.

Dahil dito, ipinagpaliban muna ang cataract surgery sa pasyente para maiwasan ang komplikasyon na maaaring idulot nito.

Facebook Comments