27 libong pulis ng NCRPO, ide-deploy para sa pista ng Itim na Nazareno

Nakahanda na ang 27,000 na mga pulis para magpatupad ng mahigpit na seguridad sa pagdiriwang ng pista ng Itim na Nazareno sa January 9, 2020.

Ayon kay National Capital Region Police Office Chief Pol. Brig. Gen. Vicente Danao Jr., 7000 na mga pulis ay mula sa Manila Police District (MPD), habang ang nasa 20,000 ay galing sa iba’t ibang police district sa Metro Manila.

Sinabi ni Danao, mahigpit nilang ipapatupad ang “no vendors” sa paligid ng Quiapo Church, hindi rin papayagan ang mga church goers na magdala ng backpack.


Sa halip mga transparent plastic bags at transparent water containers o bottled water ang papayagan upang maiwasan ang anumang untoward incidents.

Challenge naman para kay Brig. Gen. Danao ngayong taon ang Traslacion dahil sa pagpapatupad ng health protocols.

Umaasa ang NCRPO na makikiisa ang mga deboto sa kanilang panawagan.

Facebook Comments