Tuesday, April 14, 2026

28 Chinese vessels, na-monitor sa WPS nitong nagdaang linggo

FILE PHOTO

Nakapag-monitor ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng nasa 28 Chinese vessels sa 4 na maritime features sa West Philippine Sea (WPS) sa nakalipas na linggo April 5 hanggang April 12.

Sa Bajo De Masinloc namataan ang 10 Chinese Coast Guards (CCG), sa Ayungin Shoal naman ang 3 Peoples Liberation Army (PLA) Navy Ships at 6 na CCGs.

Habang sa Escoda Shoal ay namataan ang 1 PLA-Navy at 3 na CCGs.

Samantala, isang PLA Navy at 4 CCGs naman ang namataan sa Pag-asa Island.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng AFP ang patuloy na pagbabantay nito sa pambansang teritoryo at soberanya ng bansa alinsunod sa international law at sa layuning mapanatili ang kapayapaan at katatagan sa rehiyon.

Facebook Comments