Tuesday, April 14, 2026

“Grooming” sa mga kabataan para gumawa ng karahasan, talamak na sa online games

Talamak na rin ang “grooming” sa mga online games kung saan hinihikayat ng ilang mga extremist group ang mga kabataan na gumawa ng karahasan.

Sa pagdinig ng Senado tungkol sa paggamit sa mga online games tulad ng Roblox sa masamang gawain, sinabi ni Committee on Women, Children and Gender Equality Chairman Risa Hontiveros na hindi na lamang sa mga kaso ng Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM) nangyayari ang grooming.

Tinukoy ni Acting Deputy Director for Operations PCol. Romeo Desiderio ang ilan sa mga “grooming” sa tinatawag na nihilistic violent extremism na ginagawa sa mga kabataan sa online games.

Karamihan din sa mga sangkot na groomers sa ating mga kabataan ay mula sa abroad o mga dayuhan.

Kinumpirma ni Desiderio na ang mga pang-iimpluwensyang ito ay natuklasan nila sa mga kabataang naglalaro ng Roblox.

Bukod sa 7 mga menor de edad na na-rescue sa Calamba, Laguna matapos mapigilan ang balak na mass shooting sa paaralan doon, 12 mga kabataan pa ang na-rescue sa magkakaibang operasyon sa Marikina, Las Piñas at Negros Occidental at may pitong kaso pa ang kasalukuyang nasa rescue operation.

Facebook Comments