Tuesday, April 14, 2026

Benteng bigas, nai-roll out na rin sa Makati City sa gitna ng energy emergency

Dinala na rin ang benteng bigas sa Makati City.

Patunay ito na kahit ang isa sa pinakamayamang urban center ay hindi ligtas sa economic shock na dulot ng mataas na presyo ng produktong petrolyo.

Aabot sa 750 na nasa vulnerable sectors, kabilang ang senior citizens, persons with disabilities (PWD), solo parents, minimum wage earners, transport workers, at mga low- to lower-middle-income households ang nakinabang sa murang bigas.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, bagamat kilala ang Makati na may matatag na fiscal position, hindi maiiwasang maramdaman ng mga bulnerableng sektor ang fuel-driven inflation na nagpapaliit sa gastusin ng mga kabahayan.

Ipinatutupad naman ang Registry System, o ang pagtatakda ng QR codes sa mga beneficiaries, upang matiyak na ang mga tunay na kuwalipikado ang makabili ng murang bigas.

Facebook Comments