28 MANGINGISDA SA BACNOTAN, LA UNION, PINADALA SA SOUTH KOREA PARA SA PAGPAPALAKAS NG SEAWEED FARMING

Pinalalakas ng Bayan ng Bacnotan, La Union ang industriya ng seaweed farming sa pamamagitan ng pagpapadala ng 28 mangingisda sa Wando County, Jeollanam-do, South Korea para sa limang-buwang pagsasanay.

Sa ilalim ng Seasonal Workers Program, matututuhan ng mga kalahok ang makabagong kaalaman sa seaweed cultivation, processing, at pamamahala sa baybayin.

Inaasahang ibabahagi nila ang mga natutunan upang mapaunlad ang lokal na produksyon ng seaweed sa kanilang bayan.

Layunin ng programa na paigtingin ang kabuhayan ng mga mangingisda at palawakin ang oportunidad sa sektor ng agrikultura.

Patuloy namang binabantayan ng Public Employment Service Office (PESO) ang kalagayan ng mga kalahok habang nasa ibang bansa.

Facebook Comments