Umabot sa 26 na mga bahay ang partially damaged at 2 naman ang totally damaged sa pagbuhos ng malakas na ulan at buhawi sa dalawang barangay ng Tupi, South Cotabato noong Linggo ng hapon batay sa opisyal na datos na ipinalabas ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.
Ayon kay MDRRM Action Officer Emil Sumagaysay maliban sa mga nasirang kabahayan, nasa 10 puno ng kahoy ang nabuwal, dalawang day care center, 1 gasoline station, 12 streetlights at 4 na poste ng kuryenti ang napinsala.
Abot naman sa mahigit P300, 000.00 ang inisyal na halaga ng pinsalang dulot ng malakas na ulan at buhawi sa Brgy. Poblacion at Barangay Bunao ng nabanggit na bayan.
Kaugnay nito, nagbigay na rin ng relief at cash assistance ang LGU Tupi at provincial government ng South Cotabato sa mga pamilya na apektado ng nasabing kalamidad.
photo byPDRRMO South Cotabato
28 mga bahay sinira ng buhawi sa bayan ng Tupi, South Cotabato.
Facebook Comments